Martes, Hulyo 26, 2011

Mga Tauhan sa El Filibusterismo.

Mga Tauhan sa El Filibusterismo ni Jose Rizal:Simoun
Ang mapagpanggap na mag-aalahas na nakasalaming may kulay
Isagani
Ang makatang kasintahan ni Paulita
Basilio
Ang mag-aaral ng medisina at kasintahan ni Juli
Kabesang Tales
Ang naghahangad ng karapatan sa pagmamay- ari ng lupang sinasaka na inaangkin ng mga prayle
Tandang Selo
Ama ni Kabesang Tales na nabaril ng kanyang sariling apo
Ginoong Pasta
Ang tagapayo ng mga prayle sa mga suliraning legal
Ben-Zayb
Ang mamamahayag sa pahayagan
Placido Penitente
Ang mag-aaral na nawalan ng ganang mag-aral sanhi ng suliraning pampaaralan
Padre Camorra
Ang mukhang artilyerong pari
Padre Fernandez
Ang paring Dominikong may malayang paninindigan
Padre Florentino
Ang amain ni Isagani
Don Custodio
Ang kilala sa tawag na Buena Tinta
Padre Irene
Ang kaanib ng mga kabataan sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila
Juanito Pelaez
Ang mag-aaral na kinagigiliwan ng mga propesor; nabibilang sa kilalang angkang may dugong Kastila
Makaraig
Ang mayamang mag-aaral na masigasig na nakikipaglaban para sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila ngunit biglang nawala sa oras ng kagipitan.
Sandoval
Ang kawaning Kastila na sang-ayon o panig sa ipinaglalaban ng mga mag-aaral
Donya Victorina
Ang mapagpanggap na isang Europea ngunit isa namang Pilipina; tiyahin ni Paulita
Paulita Gomez
Kasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay Juanito Pelaez
Quiroga
Isang mangangalakal na Intsik na nais magkaroon ng konsulado sa Pilipinas
Juli
Anak ni Kabesang Tales at katipan naman ni Basilio
Hermana Bali
Naghimok kay Juli upang humingi ng tulong kay Padre Camorra
Hermana Penchang
Ang mayaman at madasaling babae na pinaglilingkuran ni Juli
Ginoong Leeds
Ang misteryosong Amerikanong nagtatanghal sa perya
Imuthis
Ang mahiwagang ulo sa palabas ni G. Leeds

SUMARY NG TALAMBUHAY NI RIZAL

DR. JOSE PROTACIO RIZAL MERCADO ALONZO Y, REALONDA

- IPINANGANAK SA LALAWIGAN NG LAGUNA NOONG IKA-19 NG HUNYO 1861
- IKAPITONG ANAK
- NAMATAY NOONG DECEMBER 30, 1896

FRANCISCO ENGRACIO RIZAL MERCADO AT ALEJANDRO

- AMA NI RIZAL
- (1818-1898)

TEODORA MORALES ALONZO RELONDA AT QUINTOS

- (1826-1911) INA NI RIZAL


* RIZAL-- ay ginagamit na apelyido ng bayani
              -- alinsunod sa kapasyahan ng kapitan heneral

* CLAVERIA -- sa isang kautusan nito noong ika-21 ng nobyembre 1841

*GINOONG JUSTIANO AQUINO CRUZ -- guro ni rizal ng siya ay 9 na taong gulang .

*

MGA ISTILO NG PAGSULAT NG LIHAM PANGANGALAKAL

1. ISTILONG BLOCK - ITO'Y MAY MGA LINYANG NAGSISIMULA SA KALIWANG PALUGIT


2. ISTILONG SEMI-BLOCK - ANG PETSA , BATING PANGWAKAS AT LAGDA AY NAKASULAT SA MAY KANANG PALUGIT NG PAPEL,  NAKAPASOK DIN ANG BAWAT BAHAGI NG KATAWAN NG LIHAM .

MGA BAHAGI NG LIHAM PANGANGALAKAL

1. PAMUHATAN - ITO ANG BAHAGING KATATAGPUAN NG TIRAHAN O TANGAPAN NG SUMULAT AT PETSA KUNG KAILAN ISINULAT .

2. PATUNGUHAN - NAGLALARAWAN ITO NG TIRAHAN O LUGAR NNG SINUSULATAN ,
   ANG PANGALAN NG BAHAY-KALAKAL , ANG KALYE , LUNGSOD AT BILANG NG NG  
   ZIPCODE , LAHAT GUHIT AY MAGKAKAPANTAY , ( BLOCK )  SA KALIWANG PALUGIT
   NAGSIMULA SA KAAPAT NA LINYA SA IBABA NG PETSA .

3. BATING PANIMULA - ISINUSULAT SA KALIWANG GILID SA IBABA NG HULING LINYA NG TIRAHAN O TANGGAPAN . GUMAGAMIT ITO NG TUTULDOK PAGKATAPOPS NG BATING PANIMULA . SINISISIMULAN SA MALAKING TITIK ANG UNANG SALITA  AT ANG PANGALAWANG SALITA O TITULO NG TAONG SINULATAN .

4. KATAWAN NG LIHAM-  ITO ANG NAGLALAMAN NG MENSAHE . NASA PAGITAN NG BATING PAMBUNGAD AT BATING PANGWAKAS .

5. BATING PANGWAKAS- ITO ANG PAMAMAALAM NG SUMULAT. GUMAGAMIT NG KUWIT (,) SA BATING PANG-WAKAS ANG UNANG SALITA LAMANG ANG SINISIMULAN SA MALAKING TITIK

6. LAGDA - PAGPAPAKILALA KUNG SINO O KANINO  NANGGALING O NAGMULA ANG LIHAM .

LIHAM PANGANGALAKAL

Uri ng liham na ginagamit sa mga tanggapan o bahay-kalakal. Ito ay higit na pormal, tiyak at di maligoy ang pananalita. Hindi katulad ng liham pangkaibigan.

Lunes, Hulyo 18, 2011

KAHIT SAAN



Kung sa mga daang nilalakaran mo,
may puting bulaklak ang nagyukong damo 
na nang dumaan ka ay biglang tumungo 
tila nahihiyang tumunghay sa iyo. . .
Irog, iya’y ako!

Kung may isang ibong tuwing takipsilim,
nilalapitan ka at titingin-tingin,
kung sa iyong silid masok na magiliw 
at ika’y awitan sa gabing malalim. . .
Ako iyan, Giliw!

Kung tumingala ka sa gabing payapa 
at sa langit nama’y may ulilang tala 
na sinasabugan ikaw sa bintana
ng kanyang malungkot na sinag ng luha
Iya’y ako, Mutya!

Kung ikaw’y magising sa dapit-umaga, 
isang paruparo ang iyong nakita 
na sa masetas mong didiligin sana 
ang pakpak ay wasak at nanlalamig na. . .
Iya’y ako, Sinta!

Kung nagdarasal ka’t sa matang luhaan 
ng Kristo’y may isang luhang nakasungaw, 
kundi mo mapahid sa panghihinayang 
at nalulungkot ka sa kapighatian. . .
Yao’y ako, Hirang!

Ngunit kung ibig mong makita pa ako,
akong totohanang nagmahal sa iyo; 
hindi kalayuan, ikaw ay tumungo 
sa lumang libinga’t doon, asahan mong. . .
magkikita tayo!

Biyernes, Hulyo 15, 2011

PAGISLAM: Ang Pagbibinyag ng mga Muslim

Naniniwala ang mga Muslim na ang isang sanggol ay ipinanganak na walang kasalanan kaya di kailangang binyagan upang ito ay maalis. Ganoon pa man, mayroon silang ilang seremonya na kahalintulad ng binyag na tinatawag napagislam. Pinaniniwalaang ito ay ang pagbibiyag ng mga Muslim.
Sa katunayan, mayroon silang tatlong uri ng seremonyang panrelihiyon na napapaloob sa pagislam, na ginagawa sa tatlong magkakaibang araw sa buhay ng isang sanggol.
Ang unang seremonya ay ginagawa ilang oras pagkapanganak. Isangpandita ang babasa ng adzan o kang sa kanang tainga ng sanggol. Ito’y ginagawa ipang dito’y ikintal na siya’y ipinanganak na Muslim at ang unang salitang maririnig ay ang pangalan ni Allah.
Ang pangalawang seremonya ay higit na kilala bilang penggunting o pegubad. Ginagawa ito pitong araw pagkapanganak. Naghahandog ang mgamagulang ng kanduli, isang salu-salo bilang pasasalamat sa pagkakaroon ng anak. Dito’y inaanyayahan ang mga kaibigan, kamag-anakan at pandita.
Ang paghahanda ay ayon sa antas ng kabuhayan ng mga magulang sa pamayanan. Karaniwang nagpapatay ng hayop, kambing o baka. Ang hayop na ito’y tinatawag na aqiqa, na ang ibig sabihi’y paghahandog ng pagmamahal at pasasalamat.
Sa okasyong ito, ang binibinyagan o pinararangalan ay binibigyan ng pangalan ng isang pandita pagkatapos na makaputol ng ilang hibla ng buhok ng sanggol. Inilalagay sa isang mangkok na tubig ang pinutol na buhok. Ayon sa paniniwalang Maguindanao, pag lumutang ang buhok magiging maginhawa at matagumpay ang tatahaking buhay ng bata ngunit kapag ito’y lumubog, siya’y magdaranas ng paghihikakos at paghihirap. Ang bahaging ito ng seremonya ay di kinikilala ng Islam ngunit dahil bahagi ito ng tradisyon, patuloy pa ring ginagawa ng ilang Maguindanawon. Isa pa ring bahagi ng tradisyon na kasama ng seremonya ay ang paghahanda ng buaya. Ito ay kakaning korteng buaya na gawa sa kanin, dalawang nilagang itlog ang pinakamata at laman ng niyog ang ginagawang ngipin. Nilalagyan din ang buaya ng manok na niluto sa gatang kinulayan ng dilaw. Inihahanda ito ng isang matandang babaeng tinatawag nilang walian, isang katutubong hilot na may kaalaman sa kaugaliang ito. Ginagawa ito para sa kaligtasan ng bata kung naglalakbay sa tubig. Pinakakain sa mga batang dumalo sa seremonya ang buaya.
Ang ikatlo at huling seremonya ayang pagislam. Ginagawa ito kung ang bata ay nasa pagitan ng pito hanggang sampung taong gulang. Tampok na gawain sa seremonyang ito ang pagtutuli. Tinatawag na pagislam para sa mga batang lalaki at sunnah para sa mga batang babae. Ginagawa ito upang alisin ang dumi sa kanilang pag-aari. Ang pagislam ay ginagawa ng isang walian, na karaniwang isang matandang babae na may kaalaman sa kaugaliang ito. Ang seremonya ay karaniwang ginagawa sa araw ng Maulidin Nabi o sa ibang mahalagang banal na araw ng mga Muslim.